Saturday, August 13, 2016

No direction

Nararamdaman ko na yung feeling na parang wala ng direksyon ang buhay ko. Ganto pala yung feeling no? Yung tipong gumagawa ka pero hindi mo alam kung bakit kailangan mo pang gawin. Yung feeling na tinatamad ka ng gawin ang mga bagay na iyon dahil wala namanng kinalalabasan. Yung feeling na parang wala lang. Na you feel empty. Para kang nawala sa isang disyerto at hindi mo na alam ang palabas. Yung feeling na naglalakad ka ng matagal na hindi mo man lang makita yung finish line o yung pupuntahan mo. Naliligaw. Ganun. Pakiramdam ko wala na akong silbi dito sa mundo. Paulit ulit na routine. Gigising, kakain, papasok sa school, magtuturo, maiinis, uuwi, matutulog at paulit ulit na lang. Nakakasawa. Nakakatamad na.

Ubos na pasensya

Nagalit ako sa mga students ko. Napakaingay kase. Walang mga galang. Sobrang haba na ng pasensya ko sa mga iyan pero kahit na ganoon na ubos pa din. Ang mga attitude grabe. Mga wala pang nararating akala mo ang tataas na. Siguro naging maluwag din kase ako sa kanila na to the point na inaabuso na nila. Ang nakakainis na part ee inabuso nila.. inabuso. Hayyy. Dapat pala naging matigas ako. Starting monday i will try my very best to be strict at all times. Sana magawa ko. I know kaya ko to.

Friday, August 5, 2016

Nalibre nanaman.

Nahihiya ako pagnililibre ako. Sobra. Kagaya ngayon. May nakasabay ako na hindi ko naman close. Close ng tatay ko pero.. arghhh. Nakakahiya talaga. Para kase akong nagkakautang na loob sa mga taong yun. Jusko. Malayo layo pa naman ang tatahakin naming landas.. mauuna pa siyang bababa. Paano pagbumaba?? Anong sasabihin ko? "Babye po. Ingat po. Salamat po." Hayy. Nakakahiya talaga. Hayyy. Maraming mga pagkakataong nalibre na ko and paulit ulit ang ganitong feeling. Kaya ayokong may kakilala na kasabay. Hmm.

Monday, August 1, 2016

Mga ewan.

People nowadays. Maraming gusto sa posisyon ko ngayon. Willing akong ibigay. But God let this happen to me. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ikaw ang may karapatan at huwag mo na sanang ipilit pa dahil hindi talaga para sayo. Kung para sayo, para sayo. Kung hindi edi hindi. Some things are not meant to be ours sometimes. Nakakainis lang isipin na kailangan pa minsang ipagpilitan ang sarili well infact kahit anong pilit mo wala na rin namang mangyayari dahil hindi naman para sayo yun. Just wait for the right time. You'll find yours.