Monday, January 15, 2018

Business na naudlot

This is the end. I know it will come to an end. But this is not the way I think it will end. Hmmm. Medyo nahurt to this happenings. By the way, I know medyo maguguluhan kayo pero this is story goes.

I started a business with my two classmates and my churchmate who happened to be one of my friends sa church. Sound system ang business. Noong una okay naman ang naging routines. Plano dito, plano diyan. Bili ng ganito, bili ng ganiyan. When it comes with the money, may mga naging problema pero naging tolerable naman since the three of us have at least, financially stable.

Actually maraming plano. Hindi ko nga inexpect na mahirap pala talaga magbusiness. Lalo na kung naiistart palang. At kung walang passion yung nagmamanage. To be honest, I really don't know how to manage the business but since one of my friends there, my kachurchmate is good at managing at this, of course we trusted him. Trust kung trust. Syempre kachurchmate kaya imposibleng mangscam pa yan. Takot na lang niya kay Lord. Di ba? May asawa't anak and wala siyang trabaho. So doon niya talaga pwedeng gugulin ang mga oras niya. Okay. Kaming tatlo namang magkaklase ee. Chill lang knowing that when we go to the flow, it will become successful. Anyways, let's stop beating around the bush and let's get straight to the main story. Ngayon... umayaw yung isa naman kasama. Si kachurchmate. Nakakaloka. Alam ninyo ba yun? Nakakastress kase hihinto sa kalagitnaan ng proseso. Though reasonable pero for me it is so dispressing sa part ko. HAHA. Of course sa part ng mga kaklase ko din. Nakakalungkot lang kase I need to start again. Ibabalik naman ang pera. Dont worry hindi naman ninakaw or what. Ibabalik. Buo din naman kaso... yung plano sayang. Nasasayangan ako. Nasasayangan ako sa time that I wasted. Effort na sana sa iba binigay. Mga ganun ba. Hayyy. If only i knew that this will come I rather choose to stop than continuing it. Nakakainis.

Saturday, September 23, 2017

Slowly.

Have you ever feel empty? Do you think people around you makes you feel empty? Lahat sila hindi ako maintindihan. Pero responsibilidad ko ba naintindihin sila? Problema ko ba kung ayaw nilang maniwala? That's the issue. Why I feel empty after all? Maybe, I need to talk to the people that will never break my trust. Maraming nang mga taong sinungaling, taong kilala ka lang pagkailangan ka nila. Kailangan ko makahanap ng taong maiintindihan ako. Makakasama ko sa lahat ng adventure ng buhay ko. Kailangan ko ng diversion. Huwag intindihin yung mga taong hindi ka inintindi noong panahong ikaw ang nangangailangan.

Saturday, August 13, 2016

No direction

Nararamdaman ko na yung feeling na parang wala ng direksyon ang buhay ko. Ganto pala yung feeling no? Yung tipong gumagawa ka pero hindi mo alam kung bakit kailangan mo pang gawin. Yung feeling na tinatamad ka ng gawin ang mga bagay na iyon dahil wala namanng kinalalabasan. Yung feeling na parang wala lang. Na you feel empty. Para kang nawala sa isang disyerto at hindi mo na alam ang palabas. Yung feeling na naglalakad ka ng matagal na hindi mo man lang makita yung finish line o yung pupuntahan mo. Naliligaw. Ganun. Pakiramdam ko wala na akong silbi dito sa mundo. Paulit ulit na routine. Gigising, kakain, papasok sa school, magtuturo, maiinis, uuwi, matutulog at paulit ulit na lang. Nakakasawa. Nakakatamad na.

Ubos na pasensya

Nagalit ako sa mga students ko. Napakaingay kase. Walang mga galang. Sobrang haba na ng pasensya ko sa mga iyan pero kahit na ganoon na ubos pa din. Ang mga attitude grabe. Mga wala pang nararating akala mo ang tataas na. Siguro naging maluwag din kase ako sa kanila na to the point na inaabuso na nila. Ang nakakainis na part ee inabuso nila.. inabuso. Hayyy. Dapat pala naging matigas ako. Starting monday i will try my very best to be strict at all times. Sana magawa ko. I know kaya ko to.

Friday, August 5, 2016

Nalibre nanaman.

Nahihiya ako pagnililibre ako. Sobra. Kagaya ngayon. May nakasabay ako na hindi ko naman close. Close ng tatay ko pero.. arghhh. Nakakahiya talaga. Para kase akong nagkakautang na loob sa mga taong yun. Jusko. Malayo layo pa naman ang tatahakin naming landas.. mauuna pa siyang bababa. Paano pagbumaba?? Anong sasabihin ko? "Babye po. Ingat po. Salamat po." Hayy. Nakakahiya talaga. Hayyy. Maraming mga pagkakataong nalibre na ko and paulit ulit ang ganitong feeling. Kaya ayokong may kakilala na kasabay. Hmm.

Monday, August 1, 2016

Mga ewan.

People nowadays. Maraming gusto sa posisyon ko ngayon. Willing akong ibigay. But God let this happen to me. Ano pa bang magagawa ko? Hindi ikaw ang may karapatan at huwag mo na sanang ipilit pa dahil hindi talaga para sayo. Kung para sayo, para sayo. Kung hindi edi hindi. Some things are not meant to be ours sometimes. Nakakainis lang isipin na kailangan pa minsang ipagpilitan ang sarili well infact kahit anong pilit mo wala na rin namang mangyayari dahil hindi naman para sayo yun. Just wait for the right time. You'll find yours.